Author's Note:
TRIGGER WARNING: May contain mentions of trauma, self-death, blood, anxiety and depression. Read at your own risk.
- - - - -
A child was seen coloring a booklet of drawings with the crayons scattered over the dining table. Katabi nito ang isang lalaking nakasuot ng buong itim na kasuotan. His hair was of clean cut, malinis at maaliwalas tingnan. May nakasabit itong earpice sa kanang tainga nito. Tinulungan nitong ilipat sa kabilang pahina ang kinukulayan ng batang libro dahil natapos na nitong punuin ng kulay ang nakaguhit na puno at bahay.
"Dinggo, bakit wala dito si Papa? Nasaan siya?" Puno ng kuryosidad na tanong ng bata at tiningnan ang lalaking kausap. Ang mga mata nito'y maliliit pero kumikinang sa pagbitaw nito ng katanungan. Luminga-linga ito sa magkabilang tabihan niya. "Kailan sila darating ni Johan?"
"May pinuntahan lamang ang mahal na hari kasama ng iyong kapatid, mahal na prinsipe. Wag kang mag-alala. Mamaya lamang ay nandito na sila.." Nginitian ito ng may pangalang Dinggo at inabot dito ang kulay kahel na krayola. "Heto, mahal na prinsipe.."
Sa kabilang dako naman, sa may bandang kusina ay makikita ang reyna na nakasuot ng apron at naghihiwa ng gulay at ilang klase ng karne. Katabi nito ang assistant na nakasuot din ng buong kulay itim na kasuotan; binubuo ng suit, pantalon at sapatos. Nakapusod ang mahaba nitong buhok at may earpiece din, kagaya ng meron sa lalaki sa may hapag kainan. Nakasuot rin ito ng apron at tinutulungan na maghiwa ang mahal na reyna.
"Tingin mo ba.." Simula ng sinabing kamahalan. "Magugustuhan nila itong lulutuin ko?" Ngumiti ito ng kaunti sa kanya, makikita ng bahagya ang mga mumuting linya sa ilalim at tabihan ng mga mata nito. Lahat ay dahil sa stress at sa mga pinagdadaanang problema. "Napakatagal na rin nung huli akong nagluto sa kanila.."
Binaba muna ng assistant ang kutsilyo at bumaling sa dako ng refrigerator. "Huwag po kayong mabahala, Kamahalan.." Umukod ito sa ilalim at kinuha ang natitira pang sangkap sa mga putaheng ihahanda nila. "Sigurado po akong magugustuhan nila ang luto mo.."
"Sana nga. Haaay.." Nagpakawala ng buntong-hininga ang sinasabing mahal na reyna. "Maraming salamat sayo, Maya.."
"Wala pong anuman 'yon.." Ngumiti ang tinawag na assistant na ang pangalan pala'y Maya.
Binuhat nito ang mga natirang gulay mula sa ilalim ng refrigerator at inisa-isa ang mga iyon, base sa nakalista sa hawak na papel. Napatigil ito at waring may hinahanap. "Wala po ba tayong tahure at laurel, Kamahalan?"
"Ano 'yon?" Hinalungkat na rin ng reyna ang mga gulay, maski iyong nakatabi sa may supot ay kinuha na rin niya. Napailing ito nang mapagtantong wala nga ang hinahanap. "Wala nga. Pero sigurado akong dineliver iyon kaninang umaga.."
"Sasaglit na lang po ako sa palengke at doon bibili.." Inalis ni Maya ang suot na apron at sinabit iyon.
"Pero.." Nag-aalangan na salita ng reyna at hinawakan ang isang kamay ng assistant. "Matutukoy mo ba iyon? Sa dulo iyon ng palengke.."
Tumango ito, pinisil ang kamay ng reyna na nasa braso. "Naiintindihan ko po. Magpapadrive na lamang po ako kay Dinggo, para madali kaming makabalik at makaabot ng hapunan.."
"Salamat, Maya.." Dumako ang tingin nito sa likuran at tinawag ang bodyguard ng kanyang anak. "Dinggo, pwede mo bang samahan si Maya sa palengke? Ako ng bahala kay Jerry.."
"Masusunod po, Kamahalan.." Umukod si Dinggo. Sinenyasan nito si Maya at magkasunod na lumisan ng parte ng Palasyo.
Nakangiti namang binalingan ng reyna ang batang nakaupo sa hapagkainan. Busy pa rin ito sa ginagawang pagkulay, na ngayon ay nasa pangatlong bahagi na ng libro.
"Jerry?" Ang boses nito ay malambing. "Anak? Nagugutom ka na ba?"
"Not yet, Mama!" Mahabang sagot ng bata. "I'm waiting for Johan and Papa.."
"Good boy.." Nagpakawala ito ng mumunti at malamyos na tawa, habang hinahalo-halo iyong ginataang saging. "Konting tiis na lamang anak, uuwi na sila.."
Hindi na siya sinagot ng bata. The child was probably engrossed on doing his coloring book. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga habang nakatanaw sa labas ng bintana. Sana ay mabuting balita ang ihatid sa kanya ng mag-ama.
Sana ay maging maayos ang lahat.
Dahan-dahang humakbang ang bata sa likuran ng kanyang ina. His hands were shaking and restless, his forehead was wrinkled and continued walking behind his unbothered mother. Halatang may bumabagabag sa utak nito at nahihirapan. Ang kanyang mga mata ay malilikot, naroroong pipikit pero nakapokus pa rin sa kumikinang na bagay na kanina pang humahalina sa kanya.
Kutsilyo.
Halatang nagulat ang ina nang makita ang kanyang anak. Yumuko ito agad ng makitang nakataklob ang isa nitong kamay sa isa nitong mata at nanginginig. Humihikbi-hikbi na rin ito na parang hindi alam ang gagawin. Nabahala ito at yumuko sa bata.
"Jerry?" Hinagpos nito ang ulo ng bata. "Anong nangyari? Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo? Hm?"
"M-Mama.."
Kinagat ng bata ang pang-ibabang labi, hindi pa rin tinatanggal ang isang kamay na nakataklob sa isang mata nito. Nakalampas ang tingin nito sa kanya. Nang sinundan niya ito, sumukdo ang kaba niya sa kanyang dibdib. Dahan-dahan niyang nilayo ang matalim na bagay na iyon at tinakluban gamit ang kanyang katawan.
"Jerry.." Huminga ito ng malalim. Pilit na pinapakalma ang sarili. "O-Okay lang 'yan. Nandito si Mama.."
Pero suminghap ito ng malakas. Nabasag ang mga nahulog na plato, ang ilan pa roon ay ihahanda para sa espesyal na gabing iyon. "J-Jerry, anak! Ibaba mo 'yan! Wag!"
Namantshan ng pulang likido iyong puting kurtina na sumasabay sa galaw ng hangin. Kasabay niyon ang sigaw at mga iyak na pumuno sa kuwarto sa loob ng Palasyo.
Prince Jerremiah grabbed his chest that was already wet because of the massive sweat coming from his body. Hinawakan niya ang kanyang pisngi and felt the hot tears trickled. He forced himself to calm down. He was just hunted again by those memories he wanted to erase. Akala niya ay hindi na siya magigising.
Sabagay. A part of him wanted himself to be dead. Ipagpapasalamat niya pa iyon.
He got up. Umuga ang kanyang kama dahil sa paghila niya pataas sa kanyang katawan. Inalis niya ang kumot na nakabalot sa kanya at binuksan iyong drawer. Nakakapagtakang nakita niya agad ang laman niyon, gayong ang tanging ilaw niya roon ay nanggagaling sa bintana.
With his hands, as if palpitating, he grappled the white container and stared at the label of letter P, ended with Zac. He jolted when the thunder erupted, with the series of lightning completely invaded his dark room. Binalik niya ang kapsula sa loob ng puting lalagyan at binagsak iyon pabalik sa kanyang drawer. Nanghihinang sumandal siya sa headboard ng kanyang kama at hinayaang magsara ang talukap ng kanyang mga mata.
Bakit niya pa iinumin iyon kung wala rin namang silbe ang lahat?
All these years, wala siyang naging matinong tulog at mabibilang lamang niya sa daliri kung kailan niya naramdaman iyong pagbigat ng mga talukap niya dahil sa antok. Araw-araw siyang inuunti-unti ng mga bangungot ng nakaraan, na parang pinapaalala sa kanya iyong mga nagawa niya.
He casted his eyes through the open-curtained window. The tiny droplets of water were seen, percolating over the glass panes. He scanned his dark orbs over his room, finding the only light. The little candle was dim, on the front, located over the top of the table, as if dancing with it's shadow reflecting from it.
Slowly, he stood up, more like constraining himself to do it. He let out a frustrated groan. Naglakad siya sa kinaroroonan ng itim na hoodie niya na nakasabit sa gitna ng pintuan niya at isinuot niya iyon. The sound of the zipper buzzed and he opened the door, which created a creek sound. Upon closing, he made his way out, his footsteps heavy and light at the same time. Nilagay niya ang kanyang nilalamig na mga kamay sa ilalim ng mga bulsa ng kanyang hoodie.
Nang makalabas na siya sa Palasyo at naramdaman ang unti-unti niyang pagkabasa, ay tumingala siya. There's something in the cold rain that makes him feel relax. Tumungo na siya at sinimulang tahakin ang pupuntahan.
He feel numb now. Wala na siyang maramdaman.
- - - - -
Pabali-balikwas sa higaan si Lyca dahil kanina pa ito hindi makatulog. Sobrang ramdam niya ang pagod at bigat ng kanyang katawan kaya akala niya ay makakatulog na siya ng mahimbing pagkahigang pagkahiga sa kama. Iyon pala ay kabaligtaran. Magdamag siyang mulat. Uminom na siya ng gatas, nagmeditate pati na nagbilang ng tupa na dumadaan sa utak niya ay wala pa din. Bumangon na siya sa hinihigaan at tiningnan ang nagusot ng mga punda at kumot. Napahilamos siya sa kanyang mukha. Gustong-gusto na niyang matulog.
Sa hindi inaasahan ay nabaling ang kanyang atensyon sa nakasabit na itim na jacket ni Prinsipe Johannes. Nakahanger ito katabi ng malaking salaminan niya dahil nabasa ito ng ulan. Nang biglang bumuhos kasi ang ulan ay hinila siya nito palapit at ginamit iyong jacket na suot niya bilang payong. Kung tutuusin ay walang magagawa iyon dahil ang end game, nabasa din sila. Napaarko ng kaunti ang isang sulok ng kanyang bibig habang iniisip ang mga nangyari kanina.
She unconsiously lined her candle-like fingers through the fabric. Kahit malayo ay amoy na amoy pa rin niya ang preskong pabango nito na galing sa mint at eucalyptus. Unti-unti niyang nilalapit ang mahabang sleeve niyon sa ilong niya, buti na lang ay nahuli niya agad ang sarili niya at lumayo sa jacket suit ng prinsipe. She shuddered at niyakap ang sarili.
What was that just now? She was like a creep.
With her expression still of light abhorrence and her hands still rubbing her arms, she suddenly caught a familiar figure walking through the woods. Iyong daan papunta sa hardin, kung saan sila unang nag-usap. Her face was full of confusion and eyed the first prince, with questionable look in her eyes.
Sino ba kasing normal na tao ang magpapakabasa ng ganoon sa ulan na ang kulog at kidlat ay waring nag-uunahan sa langit?
Without second thought, she grabbed two umbrellas from atop of her drawer at mabilis na umibis ng kuwarto niya.
The Palace's lights were all off at tanging iyong kandila na hawak niya ang nagbibigay ilaw sa daraanan niya. Apektado kasi sila ng power outage sa lugar nila dahil ng bagyo at kinailangan nilang maghintay para ayusin ang nasira raw na poste sa karatig bayan nila. Magagaan lamang ang kanyang mga hakbang, careful not to stir a noise at magising iyong mga natutulog na, lalong-lalo na't alas dos na ng madaling araw. She can't let the bodyguards and assistants saw her at pigilan siyang makalabas.
Natalsikan ng maliliit na putik ang laylayan ng kanyang pantulog na bestida. She moderately shook her head. Wala na siyang magagawa roon dahil sobrang lakas ng ulan.
Nang makarating sa patutunguhan ay nakita niya agad si Prinsipe Jerremiah na nakaupo sa may malapit sa gilid ng ilog at basang-basa na ng ulan.
"Kamahalan!" Tawag niya dito. Ang boses niya'y may kalakasan at sumasabay sa ulan. "Anong ginagawa niyo rito sa labas at nagpapakabasa sa ulan?"
Lumingon ito sa kanya pero hindi ito agad nakasagot. His face was distorted upon seeing her.
"Kamahalan!" She scooched, her feet and arms already drenched from the rain. "Let's go inside. Magkakasakit kayo rito.."
Matatalim ang mga mata nitong bumaling sa kanya. "I thought I already told you na ayoko sa lahat na pinapake-alaman ako. Go inside. Leave me alone!"
"Then at least, get this umbrella from me!" Nilagay ni Lyca ang nakabukas na payong sa tabihan ng unang prinsipe. "Don't get too soaked in the rain.."
The prince only eyed the umbrella at tinabig iyon. Fortunately, hindi naman iyon gumulong sa may ilog.
"Pabayaan mo ko. I just can't sleep, that's why.."
"You can't sleep? Why?"
"I.. I just can't.." Umiling ito. Nakita niyang humigpit ang halukipkip nito sa kanyang dibdib. Nakapikit rin ng bahagya ang mga mata nito. "I'm afraid.."
"That's normal, Your Majesty.." Sagot niya habang may nakaguhit na kaunting ngiti sa mga labi. She was actually relieved na nagagawa na nitong makipag-usap sa kanya. "We all have those fears. Maybe because of a painful childhood, a painful scar or a memory that make us afraid and unable to do something. But the only solution for them is.. to conquer them."
Huminto ang dalaga sa harap ni Prinsipe Jerremiah, na ngayon nga ay nakatingala sa kanya na may naguguluhang ekspresyon sa mukha. Dinampot ng kanyang isang kamay iyong tumilapon na payong at inabot sa prinsipe. "If you have fears, just face them, Your Majesty.." Kinuha niya ang kamay ng prinsipe at pinahawakan na iyong payong, para hindi na ito mabasa ng ulan. "The pain is horrible that's a given, but I assure you, it will be easier the next time you face them.."
The skies colored with midnight and indigo started to get cleared and the rain's about to stop. Lyca realized something that left her in turns.
Madali niyang sabihin iyon sa iba pero bakit sa sarili niya hindi niya magawa?
Why can't she face her own parents?
Why can't she face her own fears?