"Happy birthday!"Bungad sa akin ni Red sa cellphone.Napangisi ako.Papasok ako ngayon sa gate nang aming eskwelahan. Dumaan pa ang isang buwan. Gumraduate na ako. Bumabalik nalang ako sa eskwelahan upang magpa pirma ng aking clearance.Ang saya sa pakiramdam pala ang gumraduate. Parang malaking parangal na iyon sa akin.Kahit wala man akong magulang ay nakapagtapos ako. Hindi biro ang mga tulong sa akin ni Marco.At aaminin ko din na habang tumatagal lumalala ang pagtingin ko sa kanya. Iyong makita ko lang siya sobrang bilis bilis na ng t***k nang aking puso. Iyong excited ako umuwi palagi dahil alam kong makikita ko siya.Hindi rin biro ang makasama siya sa iisang bubong. "Salamat." Sabi ko pabalik.May mga ngumingiti sa akin pagkapasok ko. May bumabati na di