Ilang araw ang nag daan. Normal ang lahat pero ang puso ko yata ang abnormal.He's being gentleman.Hatid sundo ako sa eskwelahan sa hapon naman ang driver na ang susundo. Umuuwi siya nang alas sais minsan alas otso. Ako naman tapos na sa mga gawain at nakapagluto na nang ganong oras. Pero ngayon tila may hangganan ang aking kasiyahan. "Hindi ako uuwi mamaya " Napa tigil ako sa pag inom ng gatas sa sinabi niya. "O-Okay.." Nasa hapag kami ngayon at kumakain. Seven-thirty na nang umaga alas otso yung klase ko. "Wag mo na akong hintayin." Sabi niya na hindi nakatingin sa akin. Nasa isang magazine ang kanyang tingin habang umiinom siya nang kape. Bigla akong nakaramdam nang kirot. Alam ko na ganito naman siya noon. Hindi na ako dapat magtaka kung gani