~(VIEN YSABELLE ESQUIVEL POV) Umaga nang umalis kami ni Xander sa hotel. Dumiretso na kami sa building ng kompanya nito. He didn't let go of my hand kaya naman pinagtitinginan kami ng mga tao sa loob ng building. He just let go of my hand nang makarating kami sa loob ng opisina nito. Dumiretso ako sa mesa ko habang dumiretso naman ito sa mesa niya. Tiningnan ko rin agad ang schedule nito kung may kailagan itong gawing importante sa opisina ngayong araw. Mayroon itong meeting with some executives 20 minutes from now. Tumayo rin ako mula sa pagkakaupo and walked towards him. Dinala ko ang folder sa harap nito. "Here's your schedule for today." Sandali lang nito iyong tiningnan pagkatapos ay nag-angat ng tingin sa akin. "I can't read it." Malabo na ba ang mga mata niya o sadyang inaan