Kinabukasan, katok sa pinto ang gumising kay Zoey. Kinuha niya ang cellphone para tingnan angoras, alas singko na pala ng umaga. Pero napakunot noo siya dahil ito ang unang beses na may gumising sa kaniya. Bumangon siya at tinungo ang pintuan. Nagulat siya pagkabukas dahil si Francis ang nakita niya. "I would like to invite you to an early breakfast," anito. Kagabi pa niya ito naisip gawin. Gusto na niyang mapalapit kay Zoey dahil nababahala siya na tuluyan ito mapalapit sa kuya niya. "Mr. Alejandre, hindi ako sanay mag-almusal ng ganito kaaga. At saka bakit ako? Marami kang puwedeng imbitihan," napapahikab na tugon ni Zoey. "Samahan mo na lang ako, kahit mag coffee ka lang," pamimilit nito. "Okay, hindi naman ako gano'n ka bastos para tumanggi. Saan mo ba balak mag-breakfast?" tanon