"Sandali! President Valderama, puwede bang bumalik ka sa loob at paki sabi kay Mariel na babalikan ko siya mamaya at dadalhan ko siya ng pagkain? Please?" "What!? Ako pa talaga ang uutusan mo? Who the hell you think you are!?" galit na tugon ni Lucas. "Okay fine! Kung ayaw mo sige ako na lang ang babalik!" inis na tugon ni Zoey sabay talikod. "My God! Stop! Ako na ang babalik," agad naman na-realize ni Lucas na umiiyak pala ang pamangkin niya at hinahanap nito si Zoey. Agad naman bumalik si Zoey at sumakay na sa sasakyan. "Mom..." muling tawag ni Sophia sa kabilang linya. "Yes, Baby? Pauwi na si Mommy, okay? Tumahan ka na," wika ni Zoey. "To villa," utos ni Francis sa driver ng kotse. Inis naman na napatingin siya kay Zoey. Maya-maya pa ay kinuha niya ang cellphone niya kay Zoey