Agad naman kinarga ito ni Zoey nang makalapit sa kaniya. "Umiyak si Sophia kaya dinala ko siya dito," saad ni Lydia. Noon lang napansin ni Zoey na may kasama pala si Sophia. "Mom, I would like you to meet, Zoey. Siya ang bagong tagapag-alaga ni Sophia," pakilala ni Francis kay Zoey sa ina. "So, ikaw pala si Zoey? Hindi nabanggit sa akin ng anak ko na maganda ka pala," wika nito na tiningnan si Zoey mula ulo hanggang paa. Medyo naasiwa naman si Zoey rito. Pinamulahan din siya ng pisngi sa sinabi ng ginang. "Mom..." saway ni Francis sa ina. "Well, I'm just saying the truth and there's nothing wrong with that," tugon naman nito. Maganda naman talaga si Zoey sa paningin niya. Hindi halata na isa itong vendor. Makinis kasi ang balat ni Zoey at maganda din ang hubog ng katawan. One thin