Isang lagabog ng pagsipa sa pintuan ang nagpagulat na dalawang tao na nasa loob ng isang kuwarto. Huli na para manlaban pa sila dahil mabilis na nakapasok ang grupo ni Lucas at ibang pang member ng International Intelligence Agency. Agad na pinadapa at dalawa at nilagyan ng posas. Nakuha sa mga ito ang isang sniper rifle, bala ng baril at ilang mga gamit. "Men, clear the area," utos ni Lucas sa mga tauhan niya saka lumapit sa dalawang suspek sa pagbaril kay Francis. "Sino ang nag-utos sa inyo para gawin ito?" tanong ni Lucas habang kinakapkapan ang dalawa. May nakuha siyang cell phone sa bulsa ng isang lalaki. Pati wallet nito ay kinuha na rin niya para sa mga kakailanganin nilang ebidensya. Ngumisi lang ang lalaki. Hindi man lang ito sumagot sa kanya. "Kahit hindi mo sabihin kung si