Kasalukuyang nakaupo si Zoey sa sofa habang nagdo-drawing ng kanyang bagong design sa kanyang laptop. Medyo naiinip kasi siya at gustong libangin ang sarili habang tulog pa ang asawa. I-s-in-ave ni Zoey ang ginawa bago isinara ang lid ng laptop. She checked her wristwatch. Mag-uumaga na pala. Si Sophia ay isinama ng mommy at daddy ni Francis pauwi sa villa ng mga ito. Siya ang may kagustuhan na okay lang kahit siya lang ang magbantay doon. Nangakong babalik din agad kinaumagahan ang mga ito. Humihikab na pinuntahan niya ang silya na nasa may kama ni Francis. Mayroong extra na kama roon pero ayaw doon umidlip ni Zoey. Bahagya niyang iniabante ang silya papalapit sa kama. Kapagkuwan ay ipinatong niya ang siko sa gilid ng kama, bago nangalumbaba kay Francis. Hindi niya maiwas