"Lucas, alam mo bang nabaril si Roger Garcia?" tanong ni Francis kay Lucas. "Hindi, bakit siya nabaril?" salubong ang kilay na tanong ni Lucas. Agad naman ikinuwento ni Francis ang nangyari pati na rin ang pagkikita ni Roger at ni Zoey bago ito nabaril. "Sino naman ang pasibleng gumawa niyon?" nagtatakang tanong ni Lucas. Alam naman ni Lucas na sa larangan ng pagnenegosyo ay maraming makakalaban at hindi na bago ang mga ganoong senaryo pero alam naman niyang marami ring bodyguard si Roger Garcia para magprotekta rito. Paano nalusutan ang mga tauhan nito? "Kailangan nating gumawa ng sariling imbestigasyon at kahit hindi pa kumpirmado na kapatid ng ina ni Zoey ang ina mo kailangan rin natin siyang bantayan at baka pati siya ay madamay. Isa pa, si Zoey ang nag-aalaga kay Sophia. Ayoko rin