"Lou, mahal ka ni Tito Roger, at ikaw ang–“ Michael was trying to speak for Roger but decided to hold his words when he saw Zoey's expression was changed. At alam din ni Michael na hindi pa humupa ang galit nito sa ama. Dahil ito ang sinisisi ni Zoey sa pagkamatay ng ina nito. Iniabot ni Michael ang binalatang mansanas kay Zoey habang nakasimangot pa rin siya na tinitingnan ito. Sumulyap sa kanya si Zoey at ngumiti "huwag ka nga sumimangot, maiilang ang mga dilag na makakita sa iyo sa labas. Magiging isang yaya lamang ako ng aking paboritong baby sa loob ng isang taon at binigyan ng buwanang sweldo na 50,000 yen. Bukod doon ay magagawa ko pa ring patakbuhin ang negosyo ko tuwing alas kuwatro ng hapon araw-araw." Siyam na taon ng nag-iisa si Zoey. Nasiyahan siya sa kanyang buhay kahit hi