"Kuya, naalala mo ba 'yung teddy bear na kapareho ng kay Renna?" tanong ni Francis sa kuya niya. "Yes, I remember binigay mo iyon kay little sister. Bakit mo naitanong?" tugon at tanong ni Jeffrey. "Alam kong mabibigla ka but Zoey and our little sister Lou ay iisa," sabi ni Francis Talagang ikinabigla iyon ni Jeffrey. Hindi niya inaasahan na muling magtatagpo ang landas nila ng tinuring nilang little sister 22 years ago. "A–are you sure? Paano nangyari? Paanong si Zoey ang Lou ay iisa?" "Simple lang kuya. Nasa kanya ang isang teddy na kapareho ng kay Renna. At ang buong pangalan ni Zoey ay Zoey Lou," paliwagan ni Francis. Saka napatingin siya kay Zoey. Tahimik lang na nakikinig si Zoey sa usapan ng dalawang magkapatid. Hinayaan na lang niyang si Francis ang magsabi niyon. "Kaya pal