Kalahating gatas lang ang tinimpla ni Zoey para makakain pa si Sophia kapag nakaluto na si Yaya Sally. Pagkatapos magtimpla ay pinahiga niya ito sa sofa saka binigay niya ang gatas sa bata saka pinaandar ang tv para malibang ito at hindi makatulog agad. Minutes later, pumasok si Yaya Sally na may dala-dalang pagkain. "Zoey, pakainin mo na si Sophia. Dinala ko na rito ang pagkain para pagkatapos kumain ay makatulog na siya," wika nito saka inilapag sa center table ang dalang pagkain. "Sophia, kumain ka na, ha? Susubuan ka ni mommy," aniya saka kinuha ang bote ng dede rito at pinaupo ito para pakainin. "No!" iiling-iling na ani nito. "Why, Baby? Something wrong?" nag-aalalang tanong niya saka pinaupo ito sa hita niya. "Milk..." tila inaantok na tugon nito sabay turo ng bote na may kaun