Two months later "Congratulations, you're three weeks pregnant." Nakangiting bati kay Zoey ng doctor na nag-check-up sa kanya. "Are you sure, Doc?" Hindi makapaniwalang tanong ni Francis. Sinamahan kasi agad niya si Zoey ng araw na iyon nang makaramdam ito ng pagkahilo. "Yes, Mr. Alejandre. Magiging daddy ka na." Kumpirma ng Doctor. "Yes!" ani ni Francis na napataas ng kamay na animo'y nanalo ng lotto. "Babe, narinig mo iyon? Magiging daddy na ulit ako? May kapatid na si Sophia?" Bakas sa boses ni Francis ang saya sa napakagandang balita na iyon. "Babe, ang ingay mo nakakabulahaw ka na," nakangiting saway ni Zoey sa asawa. Ramdam niya ang kasiyahan nito at lalo naman siya. "Mrs. Alejandre, pakatandaan mo na bawal na bawal kang ma-stress at sobra mapagod. Kailangan mo mag-ingat dahil