Kinabukasan, nagising si Zoey sa tunog ng alarm agad niyang pinatay ang cellphone dahil sa antok na antok pa siya. Ngunit bigla siya napabalikwas nang bangon ng maalala na wala pala siya sa apartment niya. Dali-dali siyang bumangon at inayos ang kama. Tapos tinungo na ang banyo para magligo. Pagkatapos ay nagbihis na siya. Pinili niyang isuot ang fitted jeans at pinarisan ng puting T-shirt. Pagkatapos ay bumaba na siya. Dumiretso siya sa kitchen dahil alam niya naroon na si Yaya Sally. At hindi nga siya nagkamali nadatnan niyang may niluluto ito. "Good morning, Yaya Sally," bati niya. "Hija, bakit ang aga mo naman nagising? Mamaya pa naman ang gising ni Sophia," wika nito. "Yaya, kung pamamahay ko ito siguradong tulog pa ako sa mga oras na ito. Kaso hindi, eh... kaya nahihiya akong