**** "Yaya, pupuntahan ko lang si Michael para ipaayos ang doll ni Sophia. Puwede bang ikaw muna ang bahala sa kaniya?" paalam ni Zoey kaya Yaya Sally. "Papayag naman kaya siyang umalis ka? Puwede namang isama mo na siya tapos sasama na rin ako sa inyo. Tatawagin ko lang ang driver," anang Yaya Sally. Alam kasi niyang iiyak si Sophia kapag hindi nito nakikita si Zoey. "Sige ho, Yaya," tugon niya. "Zoey, napakabuti mo talagang tagapag-alaga kay Sophia. Kasi kahit pati laruan niya na galing kay ma'am Renna ay ipapaayos mo mapanatili lang ang alaala nito sa anak." "Yaya, alam naman po ninyo ang rason kaya pa ako ganito kay Sophia," anang Zoey. "Oo alam ko naman iyon pero kung nagkataon na pareho nga kayo ng pinagdaan ni Sophia pero hindi naman mabuti ang puso mo ay hindi magiging gan