Wedding night... Nasa resort pa rin sila Francis at Zoey kung saan ginanap ang kanilang kasal. Exclusive resort iyon at sila lang at ang mga dumalo sa kanilang kasal ang naroon. "Babe, paano mo nagawa ang surprise na ito? I mean kailan mo pa ito naisipan?" tanong ni Zoey. Nasa room na sila ng mga oras na iyon habang nakahiga sa kama si Francis at siya naman ay nakasandal sa headboard ng kama at pinapanood ang nagkikislapang mga bituin na makikita dahil salamin ang ibang bahagi ng room nila. Nagustuhan rin iyon ni Zoey dahil kita ang sea view. Tamang kuwentuhan dahil medyo naiilang pa kasi si Zoey kahit na mag-asawa na sila. "Honestly, noong pumayag kang pakasalan ako. Isang reason kung bakit halos surprise lahat dahil ayaw ko ng nakaplano at maraming nakakaalam. Madalas kasi hindi natut