"Kumusta na ang pinapatrabaho ko sa iyo? Bakit ang bagal mo ngayon!" galit na tanong ni Amanda nang magkita sila ni Frank. "Baka nakalilimutan mong hindi basta-basta 'tong taong kinakalaban natin, Amanda!" galit rin na tugon ni Frank. Hirap na hirap kasi nilang makalusot sa mga tauhan ni Francis at Lucas para maisakatuparan ang pinag-uutos ni Amanda. "Ang sabihin mo mahina ka na ngayon! Laos ka na!" "Huwag na huwag mong kuwestyunin ang kakayahan ko! Nag-iingat lang ako na hindi mabulilyaso dahil kapag nagkataon baka sa hukay ang punta ko!" Mabilis na sinakal ni Frank si Amanda. Ayaw na ayaw niyang sinasabihin siya ng gano'n lalo na ng isang babae. Hindi siya mahina. Ginagamit lang niya ang utak niya. "Frank, ano ba! Bitiwan mo nga ako!" Malakas na tinampal ni Amanda ang kamay ni Frank