"Mom," tawag ni Sophia habang pumapalahaw ng iyak. Nagising na naman siyang wala ang mommy niya sa tabi niya. Tamang-tama rin ang dating ni Francis kaya pagkababa ng sasakyan ay nagmadali siyang pumasok sa villa niya at may malalaking hakbang na umakyat at agad na tinungo ang kuwarto ng anak. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto dahil baka nasa pintuan na naman si Sophia at maulit na naman ang nangyari dati. Hindi nga siya nagkakamali. Pagbukas ng pinto ay nakatayo na roon si Sophia na puno ng luha ang mga mata. "Daddy," humihikbing tawag nito. "Yes, baby, daddy's here. Stop crying, okay?" anang Francis sabay karga kay Sophia. "Sir, nandito na ho pala kayo," sabi ni Yaya Sally na humahangos rin pagdating. "Yaya, paki timplahan muna si Sophia ng gatas niya. Pagkatapos niyang makad