**** "Dr. Ronalyn Flores Lagman MD..." basa ni Lucas sa nakasulat sa file na binigay na kaniya ng tauhan niya. Isang doctor ang ginang na nakabanggan niya sa mall? Nasa kaniya ang kaparehong litrato ngunit ang apilyedo nito at ang apilyedo ng ina niya sa pagkadalaga ay magkaiba. Siya ba talaga ang nawawalang kapatid ng ina niya o nagkataon lang na nasa kaniya ang litratong kapareho ng hawak niya? Gayo'n pa man ay kailangan niyang alamin para masagot ang lahat ng kaniyang mga katanungan. Madali na lang niya mapaimbestigahan ito dahil narito lang sa Tokyo at isa itong doctor sa isang private hospital sa lugar nila. Kailangan din niyang makilala at makausap ito para makumpirma kung ito na nga ba ang natitirang kamag-anak niya sa mother side. Maya-maya pa ay kinuha niya ang cellphone saka