Sa Piling ni Lucario Season 3 AiTenshi Wala na akong salitang binitiwan, siguro ang aking pag tango ay ayos bilang pamalit sa sagot na "OO". At pag katapos noon ay muli akong yumakap sa kanya, isinubsob ko ang aking mukha sa kanyang dibdib at pinakinggan ang awitin ng kanyang puso. Naramdaman kong gumapang ang kanyang braso at nilock ito sa aking katawan. Nanatili kami sa ganoong posisyon hanggang sa kusang pumikit ang aking mata at panandalian makatulog sa kanyang bisig. Ang katatagan ni Lucario ang nag bibigay sa akin ng lakas para maniwala sa mga bagay na ayoko nang paniwalaan pa. Sa isang madilim na daan na aking tinatahak ay nakatagpo ako ng isang liwanag na siyang mag dadala sa akin sa ligtas na lugar at iyon ay sa kanyang mga bisig. Part 54: Ngiti ng Pasasalamat Ang