Sa Piling ni Lucario Season 3 AiTenshi May 10, 2019 Ito ang mga bagay na nag papasikip sa aking dibddib at hindi ko maiwasan ang lumuha sa matinding galit, alam kong masama ang gumanti at mag tanim ng galit kapwa ngunit sa ginawa nila ay isinusumpa ako na babalik ako at ilalagay ko sa aking mga kamay ang batas. Part 63: Kasunduan sa Kadiliman Ilang linggo na rin ang nakakalipas mag buhat noong kunin ni Naama ang aking kaluluwa at katawan upang muling buhayin, ginamit niya ang aking mga ala-ala bila susi ng aking muling pag kakaroon ng hininga. Ngayon ay dito ako nanatili sa kanilang kaharian, malayo sa gusot at malayo sa mga nag nais na manakit sa akin. Sa mga araw na nakalipas ay hindi ako napapanatag, hindi ko rin nagagawang matulog ng maayos dahil sa tuwing ipinipikit ko ang