Sa Piling ni Lucario Season 3 AiTenshi May 11, 2019 Humarap ako sa salamin at dito ay nag liwanag ang aking mga mata, kasabay nito ang pag yanig ng lupa sa buong paligid. “Mag babayad ang dapat mag bayad, buhay ang inutang kaya’t buhay rin ang siyang magiging kabayaran.” Part 65: Nemesis Tagaktak ang pawis sa aking noo pababa sa aking patilya. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan habang nakatingin sa isang malinis na ilog sa di kalayuan. Dito ay nag balik sa aking ala-ala ang masasayang araw na pinag samahan ni Lucario, ang mga sandali ng aming pag mamahalan na hindi mapapantayan o matutumbasan ng kahit anong bagay sa mundo. Lalo lamang tuloy akong nakaramdam ng pag uhaw sa pag ganti tuwing sumasagi ito sa aking isipan. "Suyon! Suyon!!! Anong ginagawa mo?!!" ang