Sa Piling ni Lucario Season 3 AiTenshi “Ngayon anghel na mababa ang lipad.. Lumapit ka sa akin at puputulin ko ang pakpak mo!” ang seryoso kong salita sabay hawak sa aking pangalawit “LAPIT!!” Part 69: Magkaribal Ilan pang mag kakasunod ng suntok ang aking ginawa dahilan para mapa atras siya bago pa mag liwanag ang kwintas sa kanyang leeg at itulak ako palayo. Humiwalay ang mga telang pula sa kanyang braso at naging matatalim ang bawat gilid. Humaba ang mga naturang tela at isa isang umatake patungo sa akin kaya naman bumaba ako sa lupa upang makadistansiya sa kanyang pag atake. Umulan ng telang pula sa paligid, ang lahat ng iyon ay matalim at tumutusok sa lupa, ang bawat tamaan ay nahahati kaya naman upang makasiguradong hindi ako mapipinsala ay mas niliksihan k