Sa Piling ni Lucario Season3 AiTenshi “Panginoong Lucario, sinasalakay tayo ng mga kawal ng kalangitan! Ngayon ay nakapaligid na sila sa buong isla!” ang sigaw ni Juda at dito ay ilang malalakas na pag sabog pa ang naganap dahilan para magiba na rin ang templo ni Aharon at mula sa aming kinalalagyan ay bumagsak ang mga Diyos sa kalangitan, ang lahat ay naka suot ng purong puting kalasag(armor) at matatanda na rin ang kanilang itsura. “Ang mga kataas taasang hukom! Iyan ang matatandang taga gawa ng batas sa kalangitan.” ang wika ni Lucario sabay hila sa akin sa isang kubling lugar. Part 56: Ang Hatol ng Pag ibig Ang mga kataas taasang Diyos ang gumagawa ng batas ng kalangitan, ang lahat ng sumuway o kumalaban sa kanila ay hahatulan ng kaparusahan. Sila ang batas, sila ang masusunod at