"Gusto ko nang matapos ang ugnayan ko sa iyo Xenon. Gagawin ko na ang gusto mong gawin," sabi ko sa kanya. Nang nasa loob kami ng isang lumang bahay. Tulad nang dati. Nakasuot pa rin siya ng maskara habang nakaupo malayo sa akin. Binaba niya ang paa niya mula sa pagkaka-dikwatro. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti niya. "Very good! Inaasahan kong mangyayari ang bagay na ito. Sige, gawin mo na ang plano natin. Paibigin mo si Luke, pagkatapos iwan mo siya." Matalim kong tinuon ang pansin ko kay Xenon. Kahit hindi ko maaninang ang mukha niya dahil natatakpan ng suot niyang maskara. "Gagawin ko basta pangako mong pagkatapos nito titigilan mo na ako!" Tumayo si Xenon sa kinauupuan niya at tumingin sa akin. "Marunong akong tumupad sa usapan natin. Mayroon akong ipapaalala sa iyo." "Ano 'yon?

