Hawak-hawak ni Luke ang kamay ko babang inaalayan niya akong bumaba sa kotse niya. Tumingin siya sa akin. "Let's go, Boss," sabi pa niya. Sinilip ko ang nasa labas. Maraming mga estudyante ang nag-aabang kay Luke at siguradong kapag nakita nila akong kasama ang playboy na si Luke. Siguradong dadami ang mga haters ko para kay Luke. Tumingin ako sa kanya at huminga ng malalim. "Sigurado ka bang ipapaalam na natin sa kanila? baka may biglang manabunot sa akin." Pinisil niya ng marahan ang pisngi ko habang nakangiti siya sa akin. "Kailangan nilang malaman para hindi na nila ako aagawin sa iyo." "Wow! Ang pogi mo talaga! Ang lakas ng hangin mo sa katawan." "Alam mo, Boss, bumaba ka na mas lalo pa silang magtataka kung bakit hindi pa ako bumababa." "E-ehh, kasi..." "Baba ka ba O bubuhati

