"Magandang umaga Mhady Moore!" Nakangising bati sakin ni Luppy habang nakadikwatro siyang nakaupos sa Sofa. Salubong ang kilay ko nang tingnan ko sya habang nakapameywang akong nakaharap sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?!" Inis kong tanong. Nagkibit balikat siya. "Hinihintay kitang magising." "At bakit?" Usisa ko. "Kasi may Date tayong dalawa ngayon." Nakangiti pa siya sakin. "Ang kapal naman ng mukha mo! Sinong nagsabi sayong makikipag Date ako sayo?!" "Ako? Diba? Narinig mo ang sinabi ko." Gigil na gigil akong lumapit sa kanya at kinuha ko ang maliit na unan na nasa sofa at binato ko sa kanya yon. "Bwiset ka! Panira ka ng Araw! Ugh!" Sabay alis ko. Nagtungo ako sa kusina upang kumain At magpawala ang inis sa kanya. Nakakasira kasi siya ng araw. Umagang-umaga! Haist! Dahil araw n

