"Bakit ganyan ang itsura ng mukha mo Mhady?"tanong sa 'kin ni Mama. Habang nakahiga ako sa mahabang sofa namin. Nanood kasi kami ni Mama ng paborito naming telenobela. "Wala po, Mama. Naiinis lang ako sa Pinapanood natin ang tanga! tanga! ng bida,"alibi ko. Tumaas ang kilay ni Mama sa akin. "Ikaw ba, Mhady humithit ng rugby?" "Grabe ka naman, Mama. Anong akala mo sa akin bata sa kalsada. Hindi mo man lang ginawang ecstasy para medyo sosyal. Dapat sinabi niyo na lang sanang katol para medyo conservative pa," maktol ko. "Eh, kung sabunutan kaya kita diyan! May nalalaman ka pasosyal. Ikaw na bata ka! 'Wag na 'wag kang susubok sa ganong gawain kung ayaw mong ipakulong kita!" "Mama naman. Ikaw lang naman ang nag-open ng ganyang usapan. eh," maktol ko. "Eh, paano ko naman hindi sasabihin s