Mahapding-mahapdi ang buo kong katawan at parang nagtatalo ang mga ugat ko. Kumikibot mabuti ang aking ulo at hindi maunawaan kung bakit kahit gising naman ako ay hindi ko magawang maibuka ang aking bibig at maidilat man lamang miski isa sa aking mata. Ang tanging nagagawa ko lamang yata ay bumuga ng mararahas na hininga. Ano bang nangyayari sa akin? Nasa loob ba ako ng isang bangungot? Bakit parang wala naman akong nakikita na maaring tumakot sa akin? “Her mind is awake, that’s all I know. It will take her days before she regain consciousness, My Lord. Lady Loren will surely endure this specially if this is the first time she took a bite from someone else." Malamyos at maingat ang boses na iyon, sadyang bago sa aking pandinig. Anong ibig niyang sabihin? Na-comatose ba ako at ang laha