"Hindi puwede dahil magiging failed ang mission ko at kapag nangyari 'yon. Baka mamatay pa ako." Bulong nito sa sarili habang nakatingin sa labas ng bintana. Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa tapat ng bahay ni Jedan. . . . Nagising si Jedan, dahil sa sa ingay ng doorbell na paulit-ulit na tumutunog. Inis na bumangon ito at tsaka padabog na bumab ng hagdan at lumabas ng bahay. Wala itong ka alam-alam na mayroong hinanda sa kanya ang mga kaibigan niya para sa kanyang kaarawan ngayon. Sa loob ng isang linggo na paghahanda ni Zanea, ay naging maayos naman ito kahit paano, natuto pa nga ito kung paano tumugtog ng gitara. Laking pasasalamt nito kay Daniel, dahil tinuruan siya nito bago ito bumalik sa kalangitan, pero bago ito umalis ay iniwan na din niya kay Zanea, ang kanyang g