CHAPTER 7

2042 Words
• ZANEA POV • "Ibig bang sabihin may pag-asa pa kayo ulit maging mag kakaibigan? mapapatawad niyo ba si Jedan sa nagawa niya sa inyo?" Tanong ko sa kanya, nakaisip kasi ako ng idea paano matulungan ko sila para mabalik ang pagkakaibigan nila. "I don't know. Maybe?" Alangan na sabi nito. "Why?" "Pero kung sincere talaga siya baka magawan ng paraan at mabalik kami sa dati. Why are you asking by the way?" sabi pa niya sa akin. "Cause i am his friend and ako yung Guardian Angel niya." Sabi ko dito pero hininaan ko lang yung huling sinabi ko. "Pero patuloy pa din niya akong ini-ignore at hindi ako titigil para pansinin niya ko." Sabi ko ulit sa kanya at sabay ngiti ko pa. Tinignan ko ang relo ko. "Sige Ace, ah salamat sa time, mauna na ko, see you next time." Nagpaalam na ako sa kanya. • 3rd PERSON POV • Palabas na nang gate si Jedan nang makita niya si Zanea, kausap ang dating kaibigan niya na si Ace, napakunot ang noo nito sa dalawa lalo na nang paalis na si Zanea, at nag paalam sa isa't-isa. "Bakit magkausap sila? Magkakilala ba sila?" Tanong nito sa sarili niya. Nagtuloy-tuloy na sa paglalakad si Jedan pa punta sa bus stop at nilapitan si Zanea, na naglalakad din. "Hey!" Bungad niya kay Zanea. Nagulat ito kasi hindi niya ine-expect na siya ang unang papansin sa kanya. "First time ata na ikaw yung unang nag approach sa akin ah, ano nakain mo? Sana lagi mo 'yon kainin para lagi mo ako kakausapin." Masayang sabi nito dito. Kinuha niya agad ang camera niya. "Smile" sabi niya dito at pinicturan si Jedan. "Ano bang nangyayari sakin! Na alimpungatan ata ako at andito ako sa harap niya." Sabi ni Jedan sa sarili niya tsaka na nagpatuloy maglakad at iniwan si Zanea, pero hinabol pa din siya nito. Hinabol niya si Jedan ng iwan na siya nitong nakatayo sa kalsada. "Teka lang Jedan!" Tawag niya dito sabay habol nito sa kanya. "Kamusta ang school?" Masaya ba? boring? may natutunan ka ba? ano kwento ka dali!" sunod-sunod na tanong nito sa binatang lalaki habang nasa tabi na niya din ito at sabay na sila sa paglalakad. Kinuha ni Jedan ang airpods niya at inilagay sa tenga niya para hindi niya marinig ang maingay na si Zanea. Napanguso naman ito sa ginawa ng kanyang master pero hindi pa din ito sumuko. "Ano pinapakinggan mo? Parinig din." Agaw niya sa isang pares ng Airpods at inilagay sa tenga niya.. "Wow! nice taste of music. I love this song." Sabi nito as long na napakinggan na niya yung music. Tahimik na pinag masdan ni Jedan si Zanea, habang nakikinig ito, hindi man lang ito nainis na kinuha nito ang airpods niya at inilagay sa tenga niya, napangiti pa ito sa loob-loob niya nang sabihin ni Zanea, na gusto din niya yung song na pinapakinggan nya. Nang makarating na sila sa bus stop ay ibinigay na ulit nito ang airpods kay Jedan bago sila sumakay sa bus. Napagdisisyonan ni Zanea, na sundan ang kanyang master hanggang sa makarating ito sa kanyang bahay. Nag ready na ito nang bumaba na si Jedan. Sa kabilang kanto hindi kalayuan sa pinagbabaan ni Jedan, ng bus don na din bumaba ito. Gusto niya kasing sundan ang kanyang master ng hindi alam ni Jedan. Dalian itong tumakbo papunta sa lugar kung saan dadaan si Jedan, nag tago na muna ito sa puno at nang nakalagpas na ito sa kanya ay maigat naman niya itong sinusundan. Kahit nakakapagod ay hindi niya inalintana ito. Nang makapasok na si Jedan, sa kanilang bahay ay pumunta si Zanea sa gilid ng bahay nila para mag tago, sumandal sa isang pader sa tabi ng basurahan. Ilang minuto pang andon si Zanea, sa kanyang pwesto. Lumabas si Jedan, na bagong ligo at pumunta sa mail box nila at kinuha ang sobre na andon. Biglang tumunong ang phone nito kaya kinuha niya ito sa bulsa niya. "Ano?" na pakunot si Zanea, sa asal nito. "Mamayang gabi? Pero kapupunta ko lang diyan kagabi ah?" sabi nito sa kausap sa kabilang linya. "Sino kaya 'yon? Saan siya galing kagabi?" Tanong ni Zanea, sa sarili. "Ok nandiyan na ko ng 7pm." Sagot pa nito sabay ibinaba ang phone at naglakad na papasok sa bahay. Lumabas na si Zanea, sa pinagtataguan niya, napag isipan niya kasi na susundan niya ito kung saan siya pupunta mamaya, kaya babalik na lang siya ng mga 6pm. Hihingi na lang siya ng favor kay Daniel, dahil kailangan niya ng sasakyan para sundan ang master niya at si Daniel, lang ang alam niyang makakatulong sa kanya. • ZANEA POV • "Wag mo pabayaan na makawala sya! Ayon sya! kaliwa mo dali" Turo ko kay Daniel, kasalukuyan kasi naming hinahabol ang sasakyan ni Jedan. Hinabol ni Daniel ang itim na sasakyan. "Ang lapit mo masiyado baka makita niya tayo." Pagaalala ko. "Don't worry tinted to kaya 'di niya tayo makikita, kalma ka lang diyan," sabi niya pa sa akin. "Ano kaba?nnakikita niya pa adin yung ilaw ng sasakyan natin," sabi ko pa dito sabay hampas ng mahina sa braso niya. "Saan ba siya pupunta? Madilim na sa dinadaanan niya ah?" Takang sabi ni Daniel, sa akin kaya tumingin ako sa harap namin. "Oo nga no! Saan kaya siya pupunta?" Balik ko sa kanyang tanong, kahit ako kasi 'di ko din alam. "Hindi ko din alam eh, kaya nga sundan na lang natin, magingat ka para di tayo mahalata. Kasi kapag na pansin niya tayo failed ang plano ko." Sabi ko na lang sa kanya.. "Teka! It's that a Night Club?" takang tanong niya nang huminto na ang sasakyan nito. "Paano siya makakapasok diyan hindi pa naman siya Legal age." Takang tanong ko. "Pero sana hindi siya gumawa ng illegal na bagay para sa edad niya." na lungkot ako ng malaman na dito pala siya nagpupunta. "Ngayon pa lang illegal na yung ginagawa niya, look nasa harap tayo ng club." baling ni Daniel sa akin. "Babalik ako, kakausapin ko lang siya." Sabay baba ko sa sasakyan. "Gusto mo samahan kita?" tanong nito sa akin. "Hindi na, it's my task! saglit lang ako." nginitian ko siya sabay lakad na papunta sa master ko. Nilibot ni Zanea ang paningin niya habang papunta siya sa entrance, may mga nakikita siya na ginagawang milagro yung iba sa gilid ng kotse, yung iba naman ay sa loob, na pansin din niya ang mga suot ng karamihan lalo na ang mga kababaihan, lahat sila ay masyadong expose ang mga suot, yung iba ay kulang na lang mag two peace na akala mo beach party, tinignan ni Zanea, ang suot niya, "Masyadong conservative, baka hindi ako pa pasukin" Bulong nito sa sarili. Sinilip ni Zanea ang harapan at hinanap si Jedan, napakunot ito dahil may kasama na ito, may dalawang malalaking guard sa harap na nag chicheck ng mga papasok. "Sana hindi ako mapagkamalan bata at wala pa sa tamang edad, sana makapasok ako." Dasal nito sa sarili at tsaka pumila sa likod. Halos karamihan ng mga kalalakihan ay napapatingin sa kanya, yung iba ay nginingitian siya at kinikindatan, hindi na lamang niya ito pinansin at nag-iwas na lang agad ito ng tingin sa kanila. Nang nasa harap na si Zanea, ay hinarang agad siya ng dalawang guard. "I'm already 19" Sabi nito sa dalawang gwardya. Pinag tinginan naman siya ng mga nakapila at mga tao sa paligid niya. "Nasa tamang edad na ko para makapasok dito." dagdag pa nito. Pinagmasdan siya ng isang guard, mukang na convince naman ito kaya pinapasok din siya ng mga ito. "Whooaa! muntik na 'yon ah," sabi nito nang nakapasok na siya sa loob, malakas ang mga tugtugan kaya walang nakarinig sa kanya. "Asan kaya si Jedan." nilibot-libot niya ang paningin niya para hanapin ang master niya. Napatigil ito at tumingin sa stage ng bigla itong bumikas ang ilaw, simbolo na mag-uumpisa na, nag si puntahan naman ang mga tao sa dance floor at inaantay na lang nila ang Dj. Naglakad si Zanea, pa punta sa stage baka sakaling mas makita niya dito ang taong hinahanap niya. Nang dumating ang Dj agad nagtakip ng tenga ito dahil sa mga sigawan ng na sa paligid niya, may mga na babangga ito pero parehas silang nag so-sorry sa isa't-isa. "ARE YOU GUYS READY TO PARTY!" Sigaw ng Dj na nasa taas. Lalong lumakas ang sigawan, na patingin bigla si Zanea sa Dj nang makilala niya ang boses nito. "Jedan!" nasambit na lang nito. "So nagtatrabaho siyang part time dito?" Inalala nito ang file na nakasulat sa folder niya kung meron nakasulat na nag papart time job ito. Nang mag-umpisa nang mag patugtog si Jedan, ay nag hiyawan ulit ang mga tao, nag tungo agad si Zanea sa gilid dahil na babangga na ito ng mga sumasayaw sa dance floor. Isa sa mga ayaw ni Zanea, ay ang night club, ayaw niya kasi ng maingay masyado. "Paano kita maaalis dito? illegal ito! Gumawa ka na naman ng bawal." Bulong nito sa sarili habang nakatingin kay Jedan, na napapasabay pa sa kanta at nag eenjoy sa ginagawa niyang pag dDj. Na realized ni Zanea, na maganda pala ang boses nito. Hindi niya kasi masiyado naririnig ito dahil hindi naman nagsasalita ang master niya kapag mag kasama sila, sobrang rare niya kasi magsalita. Sa sobrang pagka concentrate nito sa master niya hindi niya namalayan na mayron na isang lalaki ang papalapit sa kanya na may dalang alak. "Anong ginagawa ng isang magandang binibini dito magisa?" Bungad na bati nito nang nasaharap na siya ni Zanea. Ngumiti ng panggap ito sa kanya at nag hand gesture para sabihin na hindi siya interisado dito. Pero hindi ito pinansin ng lalaki at agad niyang inilagay ang kamay sa bewang at hinila ito palapit sa kanya. Nagulat si Zanea sa ginawa nito sa kanya, pilit niyang tinatanggal ang kamay nito sa bewang niya pero hindi niya magawa dahil malakas ito, para na kasing nakayakap itong lalaki sa kanya. "Stop harassing me!" Zanea, said. "Inumin mo muna to at aalis ako." sagot nito kay Zanea, kinuha nito ang baso at agad na ininom. "Leave me alone!" Sabi agad nito dito nang mainom na niya ang drinks na binigay nito. Napaubo pa si Zanea, dahil first time niya lang uminom. Akala niya hindi siya maaapektuhan nito dahil isang maliit na baso lang naman iyon pero nag kamali siya. Biglang nahilo ito at parang matutumba pero hindi niya pinahalata sa lalaki. "Leave me alone!" Ulit pa nito dito. Ngumisi naman ang lalaki at hinawakan ito sa kamay at pilit na hinihila, pinipigilan ni Zanea, na mag pahila dito ngunit umiikot na ang paningin niya kaya na tatangay na siya ng lalaki. "Bitawan mo ko!" Sigaw nito sa lalaki habang inaagaw nito ang kamay niya dito. Huminto sa pagsasayaw ang mga tao dahil huminto din ang music na tumutogtog. Biglang umalis ang Dj sa stage at agad pinuntahan si Zanea. Nakita niya kasi ito nang inabutan siya ng drinks ng lalaki ngunit hindi niya lang sigurado kung si Zanea, nga talaga yung babae. Sinipa ni Jedan, ang lalaking may hawak kay Zanea, at agad naman niyang sinalo ito dahil muntik na itong matumba. "Layuan mo siya kung ayaw mong ipakaladkad kita sa mga gwardya dito!" Madiin at nanlilisik ang mga mata na sabi nito sa lalaki habang itinago niya sa likod niya si Zanea. "Ok! Ok!" Surrender nito habang nakataas pa ang mga kamay. Nang mawala na ito sa paningin niya ay binalingan niya agad si Zanea. Mag papasalamat na sana ito sa pagtulong sa kanya nang makita nito na ang sama ng tingin sa kanya. "Ano ginagawa mo dito! Paano ka nakapasok dito!" galit na sabi niya pa sa akin. "Aahhh.... kas—" Hindi pa man natatapos sa sasabihin niya ay nagsalita na agad si Jedan. "Sinusundan mo ba ko!" dagdag pa nito. "Hala galit na sakin." Bulong ko, sa isip ko. "Dito ka lang pala nagpupunta tuwing gabi. Hindi mo dapat ginagawa to! hindi habang buhay pag dDj ang trabaho mo. Diba dapat nag-aaral ka para sa future mo, makahanap ka ng tamang trabaho para sayo." Sunod-sunod na sermon ko kay Jedan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD