"Jedan... Jedann.." Tumingin si Jedan sa kanyang likuran para makita kung sino ying bumubulong sa kanya pero nang makita niya ang paligid sa likod niya ay wala namang tao. Para kasing narinig nito na may tumatawag sa pangalan niya. Nag kibit balikat na lang siya tsaka nilagay ang airpod niya sa tenga at nakinig ng music, pumasok siya sa convenience store na lagi niyang nadadaan tuwing umaga pagbukas niya pa lang ng pinto ay binati na agad siya ng cashier. Tumango lang ito dito tsaka pumunta sa mga snack na tinda. Dahan-dahan itong naglalakad dahil namimili ito ng mga bibilhin niya, napahinto ito nang may makita siyang kulay pink na chitchirya ay bigla itong may maalala, naalala niya ang isang babae na laging laman ng isip niya nitong mga nakaraang araw pa. Nag buntong hininga na lang i