• 3rd PERSON POV • "Hindi ba sinabi ko sa'yo na galing ako doon sa itaas." Sabay turo nito sa kalangitan kaya napatingala naman si Jedan dito. "Tigilan mo nga 'yang mga panonood mo ng fairytale." Taas kilay na sabi nito. "Pero totoo naman lahat ng mga sinasabi ko sa'yo." Mahinang sabi niya sabay yuko. Nalungkot ito dahil hanggang ngayon ay hindi pa din naniniwala si Jedan sa kanya. Ang akala niya kasi ay sa tagal niya ng kasama ito ay maniniwala na ito sa kanya pero nagkamali ito. Na guilty naman si Jedan ng makita niya si Zanea, na malungkot at nakayuko lang. Kapag sinabi nito na ailen siya maniniwala ito sa kanya. Kapag sinabi naman niyang angel siya, maniniwala pa rin siya. Pero ang sabi kasi nito ay isa siyang guardian angel na galing sa kalangitan at bumaba pa sa lupa. Parang