"Arrhhgg badtrip na lalaking 'yon ang hirap naman hanapin non." Inis na sabi ni Rovie, panalik-balik kasi siya sa harap ng gate ng school ni Jedan habang hawak-hawak ang phone niya dahil bawat lalabas na lalaki ay tinitignan baka sakaling si Jedan na ito. "Baka na pa away na naman, gaano kana katagal naghihintay sa kanya?" Biglang sabi ni Zanea. Nagulat naman si Rovie, dito. "Di ba sabi ko ako na ang susundo at dadalhin ko siya sa'yo. Bakit nandito ka?" Kunot noong sabi nito kay Zanea, tsaka pinagpatuloy ang paghahanap sa master nito. "Kanina ka pa ba naghahanap sa kanya?" Tanong ulit nito kay Rovie. "Oo, mahigit isang oras na din," sagot naman nito. Nang nababangga na siya ng mga estudyante ay bumalik na lang siya sa gilid at doon naghintay. Habang nag hihintay ang dalawa kay Jedan,