KUMISLOT si Cady nang may kamay na pumisil sa baywang niya. Pagpihit niya sa kanyang kaliwa ay namataan niya si Rue hila-hila ang kabayong ginamit nito. Basang-basa ito ng pawis at amoy dugo ng baka. Itinulak niya ito palayo sa kanya. Malinis na ang kamay nito pero dumikit pa rin ang amoy ng dugo sa katawan nito. “Maligo ka na nga. Ang lansa ng amoy mo,” nangingiming sabi niya. In fairness, kahit amoy malansa ito at pawisan ay malakas pa rin ang dating nito sa kanya. “May utang ka sa akin,” nakangiting sabi nito. “Anong utang?” maang niya. “Kailangan mong ibigay sa akin ang suweldo ng veterinarian ninyo dahil ako ang gumawa sa trabaho niya. Pero hindi pera ang kailangan ko at gusto ko itong i-claim ngayon,” anito. Kung tutuusin nga naman ay hindi biro ang magpaanak sa malaking hayop