NADATNAN ni Cady si Rue sa kanyang opisina at nakaupo sa harap ng kanyang lamesa. Nagbabasa ito ng company profile na naipa-book bind niya. “Oras na ng uwian. Ang haba naman ng oras na iginugol mo sa pagpakilala sa engineer na iyon sa daddy mo,” bungad sa kanya ni Rue. “Hindi ko kasalanan ‘yon. Si Daddy ang nakipag-usap kay Gab. Hindi ko naman puwedeng basta iwan sa bahay si Gab. Ako ang nagdala sa kanya roon at nakisakay lang ako sa kotse niya,” sagot niya. Inilapag niya ang kanyang shoulder bag sa ibabaw ng lamesa. “Excuse me,” aniya habang pinapaalis sa silya niya ang kanyang asawa. Tumayo naman si Rue at pinagmamasdan siya. Nagbukas pa siya ng laptop para mag-check ng e-mail. “Hindi pa ba tayo uuwi?” naiinip na tanong nito. “Kailangan kong mag-send ng e-mail sa mga investors tun