Chapter 14

2631 Words

NAPANSIN ni Cady na simula nang atupagin ni Rue ang taping ng ginagawa nitong commercial para sa produkto nilang ham, hindi na ito pumupunta sa opisina niya para sabayan siyang kumain sa tanghali. Late na rin itong umuuwi sa bahay niya at madalas ay hindi na niya namamalayan ang pag-uwi nito dahil tulog na siya. Hindi na dapat niya iyon kinukuwesyon dahil dati naman siyang walang pakialam dito pero bigla atang nagbago ang ihip ng hangin. Madalas ay naiisip niya ang kanyang asawa at kung ano ang ginagawa nito sa labas, bagay na hindi naman niya nagagawa noon. Ipinilig niya ang kanyang ulo sa kagustuhang makalimutan niya si Rue. Katatapos lang niyang nananghalian. Wala siyang ganang kumain kaya kaunti lang ang nakain niya. Pumapapak siya ng roasted cashew nuts habang nakahilata sa sofa at

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD