Synopsis

328 Words
BRIANNA AUSTIN is a Filipina-American girl who lives with her parents and two older brothers in Texas, USA. Her father is a wolf hunter, follow by her two older brothers. Growing up with her brothers stirred her daring personality and wants to be just like them, a hunter. Sinuway ni Brianna ang kaisa-isang bilin ng kanyang ina na huwag sumama sa hunting mission ng ama't mga kapatid. Hiniling niya sa ina na iyon na ang regalo nito sa kanyang ikalabing-walong taong kaarawan, pero pinagalitan lang siya nito. Kaya naman nagsinungaling siya sa ama't mga kapatid at sinabing puwede siyang sumama sa mga ito na lingid sa kaalaman ng ina. Subalit ang kasinangalingang iyon ang nagbingit sa kapahamakan ni Brianna; at ang kapahamakang iyon din ang nagbukas sa misteryong nakabalot sa kanyang tunay na katauhan. Born to a Filipina mother who was shunned by her clan and treated as traitorous blood, and an American father who was hiding his dark past and waiting for the perfect chance to exact his revenge, Brianna must find her real self and stand to what she believes in. Sa bawat hakbang na tahakin niya'y may panganib na nakaamba. Bawat yugto ng buhay niya'y ang pagtuklas sa katotohanan. At sa bagong katauhang kanyang tatanggapin, kaya ba niyang ipagsawalang-bahala ang sariling kagustuhan at sumunod sa patnubay ng mga tinatawag na gabay at tadhanang itinakda para sa kanya ng mahiwagang Buwan? Maging ang lalaking akala niya'y kanya ay hindi pala, kundi siyang itinakda ng Buwan para maipatupad ang isang propesiya. Ang pamilyang akala niya ay kilala niya ay may mga sikreto palang itinatago. At ang buhay na akala niya'y kanya ay hiram lang pala. Para saan pa ang hiningang ibinubuga niya? Para kanino pa ang tibok ng kanyang puso? Ano ba ang silbi ng buhay na mayroon siya? Sino ba talaga siya? O marahil ang tamang tanong ay, ANO BA TALAGA SIYA? The Majestic. Kuwentong lihim at misteryo ng isang taong-lobo, pag-ibig, pamilya, pagtuklas, trahedya, pagtanggap at paglaban. Start date: October 2020 Author: MicxRanjo
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD