Twenty-Six-Unwritten Fate

2145 Words

NANG gumaling si Brianna, mabilis ding nanumbalik ang kanyang lakas at abilidad. Lalong tuminis ang kanyang pandinig, at naging madali sa kanya ang pagpasok sa kaisipan ng kahit sinuman nang hindi na kailangan pang tumitig sa kanilang mga mata. Ramdam niya agad ang pagtibok ng pulsuhan ng kahit sinumang nasa paligid niya at kaya niyang masino ang nilalang na iyon. Nasa labas siya ng tinitirhan nilang kubol, nilalanghap ang sariwang hangin ng pang-umaga, gayundin ang banayad na pagsikat ng araw. Ipinikit niya ang mga mata. Tumingala sa kalangitan. Tahimik ang paligid. Matiwasay. Mangilan-ngilan pa lang ang gising nang madaling araw na iyon. Kahit si Zév ay tulog pa. Napakislot siya nang maramdaman ang paggalaw ng tiyan. Natigil siya sa pagmumuni at pinakiramdaman iyon. Dalawang minuto ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD