Adelina’s Point of View Kanina pa tawa nang tawa si Pablo habang nagmamaneho siya ng sasakyan. Sa tuwing sumisilip siya sa sasakyan ng kotse ay bumubulwak ang tawa niya. Konting-konting na lang at baka sipain ko na naman ang panga nito. Nagtitimpi lang ako kasi masakit pa ang kipipay ko dahil sa pagbanat sa akin kanina ni Sir Amadeo. “We better get that face fixed, Adelina. Baka isipin nilang nagdala ako ng clown,” matigas na sabi ni Sir Amadeo na nasa tabi ko lang. “Gaganda nga ‘to, sir,” paninindigan ko dahil naniniwala ako sa kakayahan ni Manang Pasita. Alam konv magaling ang kamay niya dahil mahusay siyang magkamay. “Hintay ka lang.” “The fúck? Kailan pa, kapag inilibing ka na?” Muli na namang natawa si Pablo. Kinailangan niyang ihinto ang sasakyan dahil hindi na siya matigil sa

