Kabanata 3

1135 Words
Adelina's Point of View Natutop ko na lang ang bibig ko habang pinagmamasdan ang matanda na tumitirik ang mga mata habang nagkakamay. Hindi ko alam kung nasasarapan ba siya o na-stroke na. Pero bahala siya—kahit saan naman sa dalawa ang nararamdaman niya ay mapapalangit siya. Humiga na lang ako ulit at tinakpan ang mga tainga ko, dahil ang pangit pakinggan ng mga ungol niya—parang asong hinihika. “Oh, my Darling Badong, I’m cúmming…” Juicekolored! She’s a maderpakengbets! Ngayon, napapaisip na ako kung bakit umalis ang isang katulong dito. Baka palagi niyang naririnig ang ungol ng matanda at inakalang nasasapian ito ng masamang esferet. Maya-maya pa’y isang malalim na ugong ang pinakwalan niya kasabay ng mas pag-alog ng kama. Nang silipin ko ay nangingisay na ito habang binabanggit ang pangalan ni Badong at namumuti na ang mga mata habang nakataas ang dalawang paa sa ere. Akala ko’y binawian na siya ng buhay at tuluyang sumalangit, pero nilabasan lang pala siya. Napailing na lang ako. Delikado ang ginagawa ni Manang Pasita. Kakaibang langit ang malalasap niya kung sakaling atakihin siya sa puso sa ginagawa niya. Mabilis akong bumalik sa pagkakahiga nang makita kong bumangon siya. May pasipol-sipol pa itong nalalaman habang naglalakad papunta sa banyo. Sherep ‘yen? Dahil sa pagod ay nakatulog na ako agad. --- KINABUKASAN ay maaga akong bumangon. Sino ba namang hindi magigising sa lakas ng alarm ng matanda. Budots pa talaga! “Magandang umaga, Manang Pasita,” bati ko sa kanya nang makababa ako. “Kumusta po ang tulog n’yo?” makahulugang sambit ko habang inaayos ko ang aking buhok. “Maayos naman. Masarap,” tipid nitong tugon at bumangon na rin. Nag-unat ito ng katawan saka sinuklay ang kanyang buhok. Taray, ang sosyal ng suklay de-brush! Prinsesa ka, gurl? “Kaya nga po, mukhang masarap ang tulog n’yo,” nakangising sagot ko. “Lumindo ho ba kagabi?” pahiwatig ko para ipaalam sa kanya na nahuli ko siya. “Kasi ang uga po ng kama, eh.” “Adelina...” Matamis siyang ngumiti sa akin. Kumurap-kurap pa ang mga mata. Ay, nagpapa-kyot? “Po?” “Alam kong narinig mo ako kagabi,” aniya sa napakahinahon na tono. Parang anghel. Parang vavaeng meshekep. “Huwag mo sanang ipagsabi kay Pablo at lalo na kay Sir Amadeo na may nobyo ako, ha? Baka kasi pagalitan nila ako,” aniya at nagpaawa pa. Wow, dalaga ka, 'nay? “Huwag po kayong mag-alala, Manang, hindi ko po ipagsasabi. Sikreto lang natin ‘yon,” paninigurado ko sa kanya saka ako sumingit na magtanong tungkol kay Badong. At doon, nagkwento ang lola n’yo. Akala ko’y pinoy si Badong, pero afam pala. Kita mo, hindi lang basta-bastang asim ang meron si Manang Pasita, acidic level na! Hiyang-hiya ang ganda ko sa alindog niya. Nakabingwit pa ng afam ang lola n’yo! Ang tunay na pangalan daw ng nobyo niya ay Paul. Char! Badong lang daw ang tawag niya rito, tapos ang tawag naman sa kanya ni Paul ay Belle. Taray ng Belle, ang lakas maka-babaeng meshekep. Ang lakas maka-prinsesa ng atake. Dahil doon ay tila lumambot ang puso ni Manang sa akin at bigla kaming naging klows—klus? Ah, basta malapit sa isa’t isa. Sabay na kaming lumabas at nagtungo sa kusina para ipaghanda ng umagahan si Sir Amadeo at si Pablo. Ang dalawa lang daw ang ipaghahanda namin, dahil may sariling taga-luto ang ibang tauhan Ay aba dapat lang, ‘no? Araw-araw pista kung lahat ay ipagluluto namin! “Adelina, puntahan mo na si Sir Amadeo sa silid niya at sabihan mong kakain na. Pero kung tulog pa ay ‘wag na ‘wag mong gigisingin dahil baka ikaw na ang hindi magising,” seryosong sabi nito sa akin. Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Bugtong ba ‘yon? Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at umakyat na ako sa ikalawang palapag ng bahay. Hind ko pa mapigilang magreklamo dahil ang layo ng kwarto ni Sir Amadeo. Bakit kasi kailangang sa dulo pa? Nang makarating ako sa tapat ng pinto niya ay hindi na ako kumatok dahil nakabukas naman. Pagsilip ko ay naningkit ang mga mata ko dahil sa sobrang dilim. Pilit ko siyang inaninag. “Sir, gising na po ba kayo?” tanong ko, pero walang sumagot. “Kung hindi, gising na po. Kakain na.” Nang wala pa rin akong makuhang sagot ay nilapitan ko na siya. At para tuluyan kong masilayan ang gwapo niyang mukha ay bahagya kong binuksan ang kurtina para sumilip ang liwanag sa kwarto. Pagkatapos ay dahan-dahan akong lumapit sa kanya para sana pagmasdan ang gwapo niyang mukha. Pero pagyuko ko pa lang ay nagulat na lang ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko saka niya ako marahas na hinila papunta sa kama niya at sa isang iglap lang ay nasa ibabaw ko na siya at matalim na nakatingin sa akin habang idinidikit ang dalawang kamay ko sa sandalan ng kama gamit lang ang isang kamay. Shet. “Sher, hindi po ako ang almushel n’yo,” mahinang sabi ko at may pakagat pa ng labi. “Pero, kung ako ang gushto n’yong kainin, shege lang po—magpapakain ako nang buong-buo,” dagdag ko pa. Mas lalong naningkit ang mga mata niya saka niya idiniin sa gilid ng ulo ko ang isang mahaba, matigas, malaking—b-báril? Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong may nakatutok sa akin. Shet, hindi ito ang gusto kong itutok niya. Hindi ang armas na ‘to! “Who are you?” matigas niyang tanong sa akin at mas idiniin pa ang báril sa gilid ng ulo ko. “Don’t you ever dare lie, or else I’ll dig a hole in your fúcking head!” Kunot-noo ko siyang tiningnan. “Nakalimutan n’yo na ako, sir? Ako po si Adelina Matias, pero pwede n’yo akong tawaging Adede—” Hindi ko natapos ang sinasabi ko nang mapunta ang tingin ko sa kanyang abs. Shet! Ako yata ang mag-aalmusal ngayon. Palaman na lang ang kulang. “S-Sher, kakantutín n’yo po ba ako?” kunwari ay nahihiyang tanong ko. Iniwas ko pa ang tingin ko sa kanya at kunwari’y naiilang. Peor nang wala siyang sinabi at ginawa ay muli ko siyang hinarap. “Hindi n’yo na po ako kailangang takutin, sir. Ibang báril na lang po ang itutok n’yo sa akin—pero ‘wag sa ulo kundi sa kipipay ko po,” dagdag ko at bumungisngis sa kanya. “Pakme, sher,” mapang-akit kong bulong at may pakagat pa ng labi. “What the fúck?!” bulalas nito saka bumaba ang tingin sa suot niyang shorts kung saan kitang-kita ko ang pagbakat ng patintin niya. Namimilog ang mga mata niyang bumaling sa akin, “D-Did you just make me hard?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD