CHAPTER 42 NAPATAKBO pabalik ng kwarto si Larrah umagang - umaga dahil pagsilip niya sa tuktok ng hagdan ay nasa paanan na niyon ang Mommy Suzanne niya at Daddy Rix, at mukhang paakyat ang dalawa. Mommy! Nakahubad pa si Ghuix habang nakahilata sa kama. Simula noong may nangyari sa kanilang dalawa sa opisina nito sa ospital ay hindi na siya nito tinigilan sa loob ng tatlong araw na nakalipas, lalo pa nga at sunud-sunod ang araw na wala siyang pasok dahil foundation ng University. Ngayon lang siya gumising nang maaga kasi pupunta siya para sa parade kahit na bugbog sarado na naman siya kagabi sa ipis na matulis. "Ghuix, bangon bilis! Magsaluwal ka bilis na!" sinakyan niya sa likod ang asawa ay inalog ang mga balikat nito, pero umungol lang si Ghuix. "Later honey. Maaga pa naman." anito n