CHAPTER 30 NAGHINTAY si Larrah ng sagot ni Ghuix tungkol sa patay na hinihingi niya. Saglit kasing nawala sa planeta ang mamang pulis na ipis at lumipad muna yata sa kalawakan bago bumalik. "Come again." anitong parang nabingi pa yata kaya pinigil niya ang matawa. "Patay." ulit naman niya at nagkibit-balikat pa. Nalukot ang noo ni Ghuix dahil yata ang akala ay ginu-goodtime niya ito. "Patay na ano? Frog, rat, cockroach ―?" he asked puzzled but she cuts him. "’Wag! Asawa ko ang ipis na matulis! Tao na lang." aniya rito na lalong ikinabugnot ng mukha ni Ghuix. Pikon na naman talaga sa kanya palibhasa kasi ay ang tanda na kaya pikunin. "Talagang mas gusto mo pa na tao ang patayin kesa sa ipis. Ibang klase ka talaga. Sa baliw ka yata ipinaglihi ni Mommy Monica." umiiling na palatak nit