CHAPTER 11 DIRE-DIRETSO si Larrah sa hagdan nang makauwi sila sa bahay. Akala niya ay hindi na sumunod si Ghuix sa kanya pero heto at kabuntot niya pa rin hanggang sa may hagdan at balak din yatang pumanhik kapag pumanhik siya. "Hi Tita!" bati nito sa Mommy niya na nakatayo sa may bukana ng kusina, hawak ang isang tray na may lamang pagkain. Tumango lang iyon kay Ghuix na parang kahit na gustong kausapin ang pulis ay hindi na nagkaroon ng pagkakataon dahil kasusunod talaga niya ang binata. "Larrah Graine, talk to me." anito sa kanya pero hindi niya ito pinansin. Tuluy-tuloy lang siya hanggang sa marating niya ang tapat ng kanyang silid. Doon niya ito hinarap na magka-krus ang mga braso niya sa dibdib. She raised her chin and looked at him sarcastically. "Why are you so eager po ba