CHAPTER 17 “LARRAH nariyan na si Ghuix, bunso!" sigaw ng Mommy ni Larrah sa kanya nang umaga na ‘yon. Nasa may salas lang sa itaas at malapit na sa hagdan, pero sa halip na magmadali siya ay lalo pa niyang binagalan ang paghakbang. Uusok na naman ang tombong ni ipis na matulis sigurado. Tatlong araw na kasing nali-late sa trabaho dahil sa paghatid at sundo sa kanya. Ewan niya but she has a great feeling that Ghuix is forcing himself to himself draw closer to her. It isn't a big deal but at some point in time, gusto niyang sabihan ito na huwag pilitin ang sarili na mapalapit sa kanya dahil lang ikakasal na sila sa linggo, and that's three days from now. Kaya lang hindi niya magawang pagsabihan kasi baka ma-offend naman. Kaya bahala ito sa buhay nito na mabwisit sa kakapang-asar niya at p