CHAPTER 4 ABOT-ABOT ang kaba ni Hillary habang nakaupo siya sa silya at naghihintay nang paglabas ng sekretarya. She will now formally meet the man behind what she so called, Mr. Hot Devil. Wala man iyong alam tungkol sa kanya, hindi maiwasan na nerbyosin na naman siya. Iyon kasi ang hindi sa kanya mawala-wala talaga. Iyon din ang dahilan na kamuntikan niyang ikamatay nang sumabak sila ni Sidney sa pag-a-undercover. Siya ay bilang isang virgin teaser sa isang club. Dinala siya sa isang barko na maglalayag papuntang Russia, iyon lang ay may nauna na palang mga agents sa kanila, at isa roon si Ghuix. Iyon ang naging dahilan nang pagkawala ni Sidney ng halos ilang buwan, at siya naman ay naospital din nang matagal. Paano ay hindi na siya nakalaban noon sa loob ng barko. Umiyak na lang siya n