Chapter 35 Parang nilalamig pa rin si Nathalia sa loob ng sasakyan kahit na kanina pa naman si Nexus nagdeklara ng pagmamahal. Daig pa niya ang isang teenage girl na kinakabog ang dibdib sa sobrang kaba at daig pa niya ang isang babaeng naghihintay na masabihan ng crush niya ng, I love you. Wala rin kasi siyang naisagot kasi hindi naman naghintay si Nexus ng sagot. Ngumiti lang ito at mas lalong hinigpitan ang pagkalahawak sa kanyang kamay. “Still speechless? Does my declaration of love really matters to you this much?” anito sa tabi niya at ramdam niya ang kamay nitong pumunta sa kanyang baywang para marahan siyang kabigin. She leaned her back on his chest. “Oo syempre. Asawa kita. Mahal kita kaya hinihintay ko ‘yon.” amin niya. “Then why didn’t you say you love me, too?” tanong naman