Chapter 27 Pagkababa ni Nathalia ng sasakyan ay kaagad niyang natanaw ang kanyang Manang na nakangiti habang nakatingin sa kanya. “Lola, namiss po kita.” niyakap niya iyon nang mahigpit. Naktia pa niyang nakatingin sa kanya si Nexus habang papasok iyon sa kabahayan at saka iyon bahagyang ngumiti. “Namiss din kita. Ang gandang bata lalo.” Nang matanda saka tiningnan siya nang husto. Iba kasi talaga siya. Siguro ay dahil sa mga damit na bumabagay ng husto sa kanyang kulay at balat kaya mukha siyang mayaman kahit ang totoo ay hindi naman. Hanggang sa mapunta sa mukha niya ang mga mata ni Igna at parang pinakatitigan na naman siya lalo. Alam na naman niya ang sasabihin nito. Kamukha niya ang batang babae na alaga nito noon na napangasawa ni Don Juancho. “Masaya po ako, Lola hindi katu