CHAPTER 54 PAGKALABAS ni Augustin sa laboratory room ay sumenyas kaagad iyon kay Ghuix na okay na kaya pasimpleng naglakad na sila papalayo mula roon, pero kung anong swerte nga naman at hindi pa sila nakakalayo ay nagsalubong na kaagad ang mga landas nila ni Venus na parang kakaiba ang tingin sa kanila. Ghuix just looked at the woman and acted casual, isang natural na kilos tuwing nakakasalubong ang isang tao na kilala niya pero hindi niya kalapit ng kalooban. Apat na taon na pagsasamang napuno ng misteryo at kagaguhan. Now, how he hates himself for becoming so blind. Wala kasi, malinis trumabaho ang babae at wala namang kahina-hinalang kilos. Malambing naman kapag dumarating sila sa kama. Iyon lang ay may attitude problem ang babae na apat na taon din niyang pinagpasensyahan kasi mahal